Sunday, August 16, 2015


Jomar's Special Pansit Batil Patung 

Address: Luna Street, Centro 6, Tuguegrao City, Cagayan 
Open Hours: 7:00am-7:00pm

     
    Ang salitang 'Pancit Batil patung' ay nakuha sa binatil na itlog para sa 'batil' at pinatong na rekado tulad ng gulay at karne para sa 'patong' ay hindi lamang isang ordinaryong pansit. Naging tradsyon ng mga taga-Tuguegarao ay timpla na sadyang nagpapasarap at nagpapaangat ng pancit na ito sa iba pang pancit sa Pilipinas. Ang pagkain na ito na kapag kakainin ay may ksamang sabaw. Sa lahat ng kumakain nito ay laging gumagawa ng dagdag na pampalasa tulad ng pinaghalong sibuyas, toyo, at kalamansi na sinasabay o inilalagay mismo sa pansit bago ito kainin. Sa daming naging opinyon ng mga tao ukol dito dapat ngang tuluyanng tikman ang food pride ng Tuguegarao City ang pansit batil patung.

Nagtanong kami sa mga tricycle driver kung saan ang pinakamasarap na pancit batil patung dito sa  Tuguegarao, sila ay may iisang sagot sa Jomar’s Panciteria.

THE MENU 

Ito ay matatagpuan sa isang dalawang palapag na gusali sa tabi ng Tuguegarao Cathedral.
Noong kami ay pumunta doon, kami ay naghintay ng mauupuan dahil sa dami ng taong kumakain dito.

     Habang naghihintay sa aming order kami ay sumilip upang makita kung paano hinahanda ang pancit batil patung. Nakita namin, na ang isa ay naghahati ng mga sibuyas at ang isa naman ay naghahanda ng batil soup na nilagay sa pulang tasa.

ONION SIDE DISH FOR PANSIT BATIL PATUNG  

PLATES OF PANCIT BATIL PATUNG BEING PROCESSED 


 Ilang minuto ang nakalipas at ang aming order ay inihain na, ito ay sinahugan  ng itlog sa ibabaw nito, mgamalulutong na carahay, liver at carabeef bits. Nagulat kami sa dami at laki ng pansit pwede na itong paghatian ng dalawang tao. Ang Ordinary na pansit ay nakakahalaga ng 60 pesos, at and Special pansit ay nakakahalaga ng 70 pesos at higit sa lahat ang Super special na pansit ay nagkakahalaga ng 80 pesos.

PANSIT BATIL PATUNG 



No comments:

Post a Comment